Natural na yung tawanan at asaran [scarf!] sa aten pero kelan ba yung huling tayong walo lang at kasama yung mga bizarre ideas at metaphors natin? Di ko na din maalala. Pero kaninang umaga, narealize ko...matagal na - at na-miss ko.
Ibang iba mag-usap ang team magaling [yehees!] habang o pagkatapos kumain. Lalo na kapag madaming bagay ang tumatakbo sa isip natin. Nag-umpisa sa usapang fountain napunta sa mga kung ano-anong bagay pero fountain padin ang gamit na salita. I never imagined na makakapag-isip tayo ng that much - from love to the male habits - without changing the topic. Fountain nagsimula, fountain nagtapos.
Ang saya lang. Yung makasama ulet kayong pito. Sana maulit to. Yung walo tayo at nag-uusap ng todo todo. Tulad ng dati. Hindi tulad ng mga pagkakataon na walo nga tayong kumakain pero balik trabaho agad. Sana lang. Sana.
Wala lang. Gusto ko lang i-blog yung nangyaring 'yon. Alvin, Ara, Arvin, Donna, Mark, Mela, at Renz [in alphabetical order].
"Hindi lahat ng masarap, kape"
- Renz Marrion Sebastian; August 15, 2009